Tumaas ng 203% ang mga kaso ng dengue sa Negros Oriental nitong nakalipas na siyam na buwan kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Ayon kay Assistant Provincial Health Officer Dr. Liland Estacion, batay sa report ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ay pumalo sa 1,747 dengue cases ang naitala mula Jan. 1 hanggang Oct. 1 ngayong taon kung saan walo rito ang nasawi.
Sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, nasa 576 cases lamang ang naitala ng PESU.
Nabatid na karamihan sa mga tinamaan ng dengue sa probinsya ay mga lalaki o katumbas ng 918 individuals habang 829 naman ang mga babae.