Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na wala silang itatapon na anumang Election Paraphernalia sakaling tuluyang ma-postpone ang 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na kanila itong ilalagay sa warehouse ng ahensya sa San Pedro, Laguna upang mapangalagaan.
Giit ni Garcia na magagamit naman ito sa susunod na taon sakaling matuloy ang naturang eleksyon.