Inihayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na overall ay maganda ang naging assessment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang isandaang araw nito sa puwesto.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang-diin ni Senator Dela Rosa na partikular ito sa isyu ng korapsyon, COVID-19 response, food sufficiency at peace and order ng bansa.
Sinabi naman ng senador na maaari pang mag-improve ang pagsulong sa hangarin na magkaroon ng unity sa bansa.
Alam mo na napakahirap ng misyon na ‘yan medyo you cannot really satisfy all sector…ang hirap talaga kahit sincere ‘yung kanyang effort talagang gustong magkaisa tayo pero mayroon talaga pa rin ang ayaw.
Samantala sinabi ni Dela Rosa na ang zero crime POGO related incidents ay isa sa magandang resulta ng imbestigasyon na ginawa ng kanilang komite.
Yes isa ‘yan sa magandang resulta na nangyari dahil sa ginawa nating komite response ng ating Kapulisan.
Ang pahayag ni senator Ronald Dela Rosa, sa panayam ng DWIZ