Magkakaroon na lamang ng apat na barangay ang Ormoc City, Leyte.
Ito ay matapos pumabor ang halos 90% ng residente nito sa ordinansang pagsama-samahin sa tatlong barangay ang 28 barangay sa Ormoc at baguhin ang pangalan ng isa pa.
Sa plebisitong isinagawa ng COMELEC kahapon, nakapagtala sila ng 89.34% botong ”Yes” habang 10.08% na nag-”No”.
Dahil dito, papangalanan ng Barangay West ang Districts 14, 19, 20, 21, 22, 24, 26 sa Ormoc; Barangay East ang Districts 9, 10, 11, 16, 18, 25, 28; Barangay South ang Districts 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 12, 13, 15, 17, 23, 27; at Barangay North ang district 29.
Tinatayang 53% ng 10k residente sa Ormoc ang lumahok sa plebisito na ginanap buong araw kahapon.
Nagpasalamat naman ang COMELEC sa mga security forces, comelec accredited citizen’s arm, media personnel, at iba pa para sa matagumpay na plebisito.
Ang plebisito sa Ormoc ay isa sa maituturing na matagumpay na paghahating isinagawa, kasunod nang paghahati sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, ngayong taon.