Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng lagpas sa 2,000 bagong nahawa sa Covid-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, pumalo sa 2,197 ang daily new cases kahapon, pangatlong araw ng mataas sa 2K.
Bahagya namang bumaba ang active cases na nasa 27,065 na kahapon mula sa 27,129 noong Biyernes.
Samantala, sumampa rin sa 3,875,570 ang gumaling at 63,230 ang nasawi dahil sa Covid-19.
Ang nationwide Covid-19 tally na sa bansa ay 3,965,865.