Kapag sinabing nangangati ang mga palad, unang kahulugang pumapasok sa ating mga isipan ay may paparating na pera o salapi sa atin.
Walang siyentipikong basehan ang paniniwalang ito ngunit marami pa rin sa ating mga kababayan ang naniniwala na magkakapera ang isang tao tuwing nangangati ang mga palad.
Mayroong mga nagsasabi na kapag kaliwang palad ang nangati, nangangahulugan itong may paparating na malaking halaga ng pera at kung paligid naman ng mga daliri, ibig sabihin maliit lang ang halagang salapi na aasahan.
Salungat naman ang ibig sabihin sa tuwing kanan na kamay ang makararanas ng pangangati. Ibig sabihin ay may paparating na gastusin o papalabas ang pera.
Pero muli, lahat ng paniniwalang ito ay walang siyentipikong basehan at magpasahanggang ngayon ay isa lamang itong supertitious beliefs o pamahiin.
Magpakonsulta sa doktor sakaling walang tigil ang pangangati ng mga palad dahil maaring sanhi lamang ito ng mikrobyo o sakit sa balat na kailangan lunasan ng isang dermatologist.—mula sa panulat ni Angelo Baiño