Pipirmahan na bukas, Lunes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magre-require sa mga sim card users sa bansa na mag-register sa mga Public Telecommunications Entities (PTEs).
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ang seremonyal na paglalagda sa Sim Card Registration Act ay gaganapin sa Malacañang na dadaluhan ng mga mambabatas at opisyal mula sa presidential legislative liason office.
Sa ilalim ng panukala, ang mga direct sellers ng sim cards ay aatasang i-require ang mga users na magpresenta ng valid identification document na mayroong photo.
Aatasan din ang mga telecommunication firms na i-disclose ang buong pangalan at address ng users sakaling magkaroon ng subpoena o kautusan galing sa korte.
Matatandaang i-vineto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong abril ang naunang version ng panukala dahil ayon sa kaniya ay kailangan pa itong pag-aralan.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta at kahandaan sa pagpapatupad ng batas ang mga major telecommunications company sa oras na maisabatas na ang panukala.–-mula sa panulat ni Hannah Oledan