Kinumpirma ng Department of Health (DOH), na tumaas ang kaso ng pneumonia sa bansa sa unang anim na buwan ng taong 2022.
Ayon sa DOH-Epidemiology Bureau, 17,848 indibidwal ang nagkasakit ng pneumonia kung saan, 8,934 ang mga babaeng tinamaan habang 8,914 naman ang lalaki na karamihan ay mula 1-4 age group; sinundan ng 29 days to 11 months at 5-9 age group.
Sa datos ng DOH, ang CALABARZON ang nangungunang rehiyon na may pinakamataas na kaso na mayroong 3,828; sinundan ng Northern Mindanao na mayroong 3,425; at Cagayan Valley na mayroong 3,295.