Muling nanawagan ang China sa iba pang bansa lalo sa mga kapwa claimant na iwasan ang panggugulo sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Chinese Deputy Foreign Minister Liu Zhenmin matapos igiit na walang intensyon ang Tsina na i-militarize ang ilang bahagi ng Spratly Islands sa kabila ng kanilang lumalawak na aktibidad sa mga pinag-aagawang isla.
Ayon kay Liu, idinesenyo ang mga artificial island sa Spratly para lamang sa “public service” upang tulungan ang mga barko at mangingisda lalo kung may mga kalamidad.
Bagaman may mga itinayong military facility sa ilang bahagi ng Spratly’s, hindi aniya makatuwiran na iugnay ang mga ito sa militarisasyon ng buong South China Sea.
Iginiit ng opisyal na sa halip na manggulo ay dapat maging daan ang ibang claimant upang maging mapayapa ang Asia-Pacific region.
By Drew Nacino