Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang unang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ngayong araw.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nakipagpulong si Pangulong Marcos sa 20 miyembro ng konseho upang pag-usapan ang mga priority measures, kabilang ang mga binanggit nito sa kanyang unang state of the nation address noong July 25.
Kabilang sa mga top-priority measures na tinalakay sa unang ledac meeting ay ang National Government Rightsizing Program; Budget Modernization Bill; Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery at Unified System of Separation, Retirement and Pension.
Una nang sinabi ng OPS na tatalakayin din ng LEDAC ang mga panukalang nakaangkla sa ekonomiya at National Security tulad ng E-Governance Act; National Land Use Act; Tax Package 3: Valuation Reform Bill; Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act; Internet Transaction Act (E-Commerce Law), at ang mandatory reserve officers’ training corps and national service training program.
Kasama ni Marcos sa pulong si Vice-President Sara Duterte, 7 miyembro ng gabinete, 3 senador, 3 miyembro ng kamara at isang kinatawan ng mga LGUs, sektor ng mga kabataan at pribadong sektor.