Pinatitiyak ng isang kongresista ang pagtalima ng mga telecommunication companies sa data privacy law kasabay ng pagsabatas ng sim card registration.
Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Salceda, dahil sa bagong batas ay ang mga telcos company na ang pinakamalaking may hawak sa identity information ng isang indibidwal.
Kaya’t kung magkakaroon ng breach o mapupunta sa maling kamay ang mga impormasyon ay magkakaroon ng isang malaking “Data catastrophe”.
Samantala, kabilang sa pinasisiguro ng Albay Solon ang matatag na data privacy protection ng mga telcos pagdating sa storage, updating at pagbura ng mga datos.
Nais din ni Salceda na magamit ang sim card bilang official id na magagamit sa pagrehistro sa mga bangko o financial institutions.