Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 14,333 Covid-19 cases sa nakalipas na isang linggo.
Katumbas ito ng average 2,048 daily Covid cases simula Oktubre a – 3 hanggang a – 9 o 10% mababa kumpara noong huling linggo ng Setyembre.
Ayon sa DOH, sa mga bagong infections noong nakaraang linggo, lima o .04% ang severe at critical.
Hanggang noong linggo, Oktubre a – 9, 669 o 9.2% ng Covid-19 admissions ang severe at critical condition.
Samantala, additional 2,106 Covid cases din ang naitala ng kagawaran kahapon dahilan upang sumampa na sa 3,969,987 ang total caseload.
Karagdagang 33 deaths ang naitala kaya’t halos 63,300 na ang fatalities habang bahagyang umakyat sa mahigit 26,000 ang active cases at nasa 3,880,000 na ang recoveries.
Sa mga pinakabagong infections, karamihan o 837 ay mula sa Metro Manila.