Makararanas ng water service interruption ang mga customer ng Maynilad simula ngayong araw hanggang Sabado, Oktubre a – 15.
Bunsod ito ng mga scheduled maintenance activities at mababang water elevation sa Ipo dam.
Simula alas-8 mamayang umaga hanggang ala-7 ng gabi ipatutupad ang service interruption sa mga lungsod ng Maynila, Caloocan, Quezon at Malabon.
Kabilang sa mga apektado sa Caloocan ang Barangay Balingasa, 12, 81 hanggang 164; Barangay 80, Concepcion, Dampalit, Potrero at Tugatog, Malabon;
Barangay 157 at 158 sa Quezon City; Barangays 1, 2, 25-33, 95-108 at 587-695 sa Maynila.