Humiling ng Temporary Restraining Order sa Korte Suprema ang kampo ng pinatalsik na si Negros Oriental Governor Pryde Penry Peves.
Iginiit ni Atty. Sarah Abraham-Manalo, Legal Counsel ni Teves dapat magkaroon ng due process bago ang proklamasyon sa pagkapanalo bilang gobernador kay Roel Degamo at pagpapaalis sa pwesto kay Teves.
Magugunitang inihayag ng COMELEC na ang pinagbasehan ng proklamasyon kay Degamo ay ang mga nakaraang desisyon ng Supreme Court gaya ng Santos versus COMELEC.
Ito ang naghahalintulad sa nangyari sa kaso ng kalaban ni Teves sa pagka-gobernador na si Degamo.
Umaasa naman ang kampo ni Teves na mapapakinggan ng S.C. ang kanilang petisyon.