Target na makumpleto ng Department of Transportation (DOTr) ang isang trilyong pisong halaga ng rehabilitation projects sa iba’t ibang paliparan sa bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, tututukan ng ahensya na mapataas ang kapasidad at mapabuti ang mga pasilidad ng airport terminal.
Kabilang sa proyekto ang Antique Airport, Bacolod-Silay Airport, Catbalogan Airport, Davao International Airport at Ozamis Airport.
Samantala, plano rin ng kagawaran ang Airside Improvement Projects na nagkakahalaga ng 206 million pesos sa Bicol International Airport. —sa panulat ni Jenn Patrolla