Makakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ang mga mangingisdang maaapektuhan ng shellfish ban sa Sorsogon Bay.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Sorsogon, walang dapat ipag-alala ang mga mangingisda dahil noon pa man ay may inihahatid nang tulong ang pamunuan sa mga matinding naapektuhan ng red tide lalo na kung ito ang kanilang kabuhayan.
Sa pahayag naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Sorsogon, sa ngayon ay ligtas ang kanilang lugar sa red tide matapos mag negatibo sa huling sample na ipinadala sa ahensya at walang naipatupad na Shellfish ban.
Sa kabila nito, nanawagan ang BFAR sa mga residente ng lalawigan na paigtingin ang pag-iingat sa pagkain ng mga shellfish at linisin o hugasan ng maigi upang mas lalong maging ligtas sa kalusugan ng bawat isa.