Nareskyu ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 100 pasahero makaraang sumadsad ang sinasakyan nilang barko sa Benoni Port sa Camiguin na sakop ng Misamis Oriental.
Ayon sa PCG, sakay din ng Super Shuttle Ferry 21 ang 17 kargamento na minamaneho ng kapitan na kinilalang si Ian Sumaylo.
Ayon kay Sumaylo, habang siya ay nagmamaneobra patungong Balingoan Port, napansin ng kaniyang chief mate na nakapatay ang kanilang “steering power” dahilan para ito ay sumadsad.
Agad namang ininspeksyon ng mga otoridad ang naturang barko kung saan, nakumpirma na wala itong anumang sira at wala ring oil spill.