Itinutulak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing online ang pagrehistro ng mga sim card para iwas sa mahabang pila.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, aabisuhan ng mga telco ang publiko na magrehistro sa pamamagitan ng website ng mga telco.
Mahirap anya para sa mga prepaid subscriber ang pagrehistro dahil walang impormasyon ang mga ito sa telco kaya dapat padalhan sila ng abiso sa proseso ng registration.
Mapuputulan naman ng linya at hindi magagamit ang sim card ng mga susuway sa nasabing batas. —sa panulat ni Jenn Patrolla