Halos 1.5 billion pesos ang kakailanganing pondo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kaugnay sa hosting ng bansa sa 2023 FIBA Basketball World Cup.
Ang naturang halaga, ayon kay SBP Vice President Ricky Vargas ay 40% lamang ng halos 4 billion pesos na unang hinihingi ng organizing committee at kung saan ang 60% ng pondo ay mula sa pribadong sektor.
Sakaling maaprubahan, idadaan ang pondo sa Philippine Sports Commission na siyang magbabahagi nito sa SBP.
Ang 2023 FIBA Basketball World Cup na itinakda sa August 25 hanggang September 10, 2023 ay hindi lamang sa Pilipinas gagawin kundi maging sa Japan at Indonesia.