Pumanaw na ang pasyente sa Lucena City, Quezon na napaulat na tumalon sa ikatlong palapag ng government ospital.
Ayon kay Philippine National Police Investigator, Police Corporal Eduardo Nartea Jr., noon pang October 7 na-confine sa ospital ang pasyenteng si Exequiel Rioflorido dahil sa pagkaubos ng dugo.
Nakatakda sana itong ma-discharge kahapon pero tumalon sa ikatlong palapag ng ospital dakong alas-3:00 ng hapon.
Kaninang madaling-araw lang binawian ng buhay ang biktima habang binibigyang-lunas ng mga doktor.
Nilinaw naman ng pamilya ni Rioflorido na hindi nag-suicide ang kanilang kamag-anak dahil sabik pa itong lumabas ng ospital.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang ng otoridad sa nangyari.