Aabot sa halos 20 motorista sa Maynila, ang tinikitan ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagpapatupad ng ordinansa sa maiingay na tambutso sa lungsod.
Katuwang ng MPD ang Manila Traffic and Parking Bureau, upang mapanatili ang maayos na takbo ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.
Batay sa R.O. 8772 o ang Motor Vehicle Modified Muffler o Exhaust Pipe Noise Regulation Ordinance, ang mga motoristang lalabag sa naturang batas, ay pagmumultahin bilang bahagi ng anti-criminality operation ng kanilang ahensya.
Samantala, bukod sa mga motoristang pinagmulta, 20 din ang natikitan dahil sa iba’t-ibang traffic violation habang anim na sasakyan naman ang na-impound.