Ikakasa ng Local Government Units-Castilla ang pamimigay ng cash incentives sa mga latin honors na nagtapos ng kolehiyo.
Kasunod ito ng pag-apruba sa Municipal Ordinance 08-2022 na magbibigay tulong sa mga Latin honor graduates bilang pagkilala sa malaking karangalan na kanilang nakuha hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi maging sa kanilang bayan.
Ginawa ang naturang ordinansa upang matugunan ang pangangailangan ng mga graduates sa kabila ng maliit na halaga nito.