4 ang kumpirmadong patay habang nasa 46 ang dinala sa pagamutan sa banggaan ng pampasaherong bus at oil tanker truck sa Roman Expressway, Barangay Laon, Abucay, Bataan.
Nakilala ang mga namatay sa aksidente na sina Walter Buenaventura, driver ng Bataan Bus Transit, nasa wastong gulang; Reynaldo Monte, driver ng oil tanker; John Mark Victoria, 19 anyos, pahinante at isa pang sakay nito na hindi pa nakikilala ang pangalan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas dos ng madaling araw ng maganap ang aksidente.
Head on collision ang dahilan ng aksidente, posibleng naidlip umano ang driver ng tanker trak na may plakang CUU-757 matapos umanong maagaw nito ang kabilang lane ng daan kung saan tiyempong paparating ang bataan transit bus na may plakang NAO-4054 kung saan nagpang-abot ang dalawang sasakyan kung saan dead on the spot ang mga nabanggit na biktima.
Sugatan naman ang konduktor ng bus na si Lester Clamor at isinugod sa pagamutan ang 46 na pasahero ng bus.
Gumugulong pa ang imbestigasyon insidente.