Mayroong malaking epekto sa turismo ng Pilipinas ang isyu ng POGO illegal workers.
Ito ay ayon kay Manila 6th District representative Bienvenido “Benny” Abante, Jr, hindi na nga nakikinabang ang bansa sa POGO, naapektuhan pa nito ang ating tourism industry.
Ginawa ng solon ang pahayag matapos na sabihin ng China na kasama na sa kanilang listahan ng mga blacklisted countries ang Pilipinas.
Dahil dito, pinagbawalan ng Chinese gov’t ang kanilang mga kababayan na magtungo sa Pilipinas.
Giit ni Cong. Abante, may malaking epekto ito sa turismo ng bansa lalo nat lumalabas sa datus ng Dept. of Tourism na pumalo sa 8.26-M foreign tourist ang bumisita sa bansa noong 2019 at 1.74-M o 21.1 % dito ang mula sa China.
Ito aniya ang dahilan kung bakit nararapat lamang na tawaging salot ang POGO operations sa loob ng bansa.
Matatandaan na sa nagpapatuloy na POGO inquiry ng senado, inihayag ni Zubiri na kanyang nakausap si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, at sinabi nito sa kanya na blacklisted na ang Pilipinas sa China dahil sa usapin ng mga illegal POGO workers na nasa loob ng bansa.