Nakipagtulungan na rin ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pagpapalawak ng Pinas Lakas Campaign ng pamahalaan.
Katuwang ng LRTA ang Philippine Red Cross-Marikina Chapter sa tatlong araw na vaccination activity para maturukan ng 1st and 2nd booster dose ang mga empleyado at mga pamilya ng kawani nito.
Ito ay para matiyak ang proteksyon ng mga kawani at mga pasahero nito laban sa COVID-19.
Nabatid naman na nagsimula ang pagbabakuna sa frontliners ng LRT-2 nitong martes sa LRT-2 Depot, Santolan, Pasig City.
Tatagal naman ito hanggang ngayong araw, Oktubre 13, mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. – sa panulat ni Hannah Oledan