Arestado ang 13 construction workers sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio.
Ito ay matapos magsagawa ng month-long surveillance ang mga otoridad sa loob ng nasabing himpilan.
Ayon sa Army, sinabi ng mga naaresto na bumibili ito ng shabu para manatiling gising at aktibo sa trabaho.
Sinabi naman ni Army Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad na binili sa labas ang naturang droga at ipinuslit sa loob sa pamamagitan ng maliliit na sachet.
Nasabat naman ng mga otoridad ang nasa 88,000 piso ng shabu mula sa mga naaresto at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – sa panulat ni Hannah Oledan