Nagbabala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa mga nagkakalat na kolorum na taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
Kabilang sa aaksyunan ng MIAA ang mga reklamo kaugnay sa overcharging ng mga taxi sa NAIA.
Sinabi ni MIAA Officer in Charge General Manager Cesar Chiong na nakikipag-ugnayan na rin siya kay Assistant General Manager on Security and Emergency Services (AGMSES) Manuel Gonzales na siyang in-charge sa seguridad sa NAIA complex.
Ang nasabing tanggapan din ang siyang nangangasiwa sa pag-aksyon laban sa mga kolorum na taxi sa paliparan.