Nagpalabas ng Notice to Airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa lahat ng commercial pilot ng mga domestic at international flights na mag-ingat sa paligid ng bulkang Bulusan at bulkang Mayon.
Ito’y matapos na magpalabas ng direktiba o advisory ang PHIVOLCS sa aktibidad ng mga nabanggit na mga bulkan.
Ayon kay eric apolonio, tagapagsalita ng CAAP, 10,000 feet above ground o mas mataas dito ang lipad ng mga commercial pilot sa paligid ng bulkan upang makaiwas sa abo na maaaring manggagaling sa pagbuga ng mga nabanggit na bulkan.
Gayunpaman, ang Notice to Airmen ay patuloy na kanilang ipapatupad at pinapayuhan ang lahat ng commercial pilot na mag-ingta sa paglipad sa paligid ng bulkang Mayon at bulkang Bulusan. – mula sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)