Ilalaan ang malaking bahagi ng P 23.04-B na budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa 2023 ay para sa paglaban sa epekto ng climate change.
Sinabi ni Analiza Rebuelta-Teh, DENR Undersecretary for Finance, Information Systems and Climate Change, ang extreme weather events sa ngayon ay dulot ng pagkasira ng kagubatan na nagsasanhi ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Giit pa nito na panahon na aniya upang solusyunan ito sa pamamagitan ng green nature-based solutions.
Aniya, sa kabuuang P15-B na nakalaan sa operations nito na aabot sa P 7-B ay gagastusin para suportahan ang climate action.
Makikipagtulungan ang denr sa ibang National Government Agencies upang ipatupad ang climate adaptation at mitigation na siya ring nakahanay sa climate agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.