Magsasagawa na ng special elections sa 7th Congressional District ng Cavite upang punan ang nabakanteng puwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Pebrero 2023.
Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na magiging automated ang nasabing halalan upang mabawasan ang gastos ng COMELEC.
Gagamitin ng poll body ang vote-counting machines na ginamit noong May 9, 2022 elections.
Ang iba pa anyang aktibidad tulad ng Filing ng Candidacy ay planong gawin sa Disyembre ngayong taon.
Idinagdag pa ni Garcia na kung isang aspirant lamang ang maghahain ng Certificate of Candidacy ay otomatiko itong ipo-proklama na panalo upang hindi na matuloy ang espesyal na halalan.
Alinsunod ito sa Section 2 ng Republic Act 8295 o isang batas na nagtatakda para sa proklamasyon ng naging kandidato para sa anumang elective office sa isang espesyal na halalan.