Tatanggap ang Canada ng 15,000 ng aplikasyon para sa family reunification program nito ngayong taon.
Kasama sa mga inaasahang makikinabang sa nasabing programa ang libu-libong filipino na matagal nang naninirahan o nagtatrabaho sa Canada.
Ito ang magiging daan upang muling makasama ng mga Canadian citizens ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsama sa kanila bilang permanenteng residente ng nasabing bansa.
Inanunsyo ng mga parliament member na sina Sonia Sidhu at Shafqat Ali na i-i-sponsor-an nila ang 15,000 aplikasyon sa ilalim ng parents and grandparents program.
Sisimulan naman ng Immigration, Refugees and Citizenship ng Canada ang pagpapadala ng imbitasyon para sa mahigit 23,000 interesadong sponsors upang matiyak na maaabot ang target na labinlimang libong aplikasyon. – sa panulat ni Hannah Oledan