Gumagawa na ng hakbang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang mas maging resilient ang bansa sa gitna ng mga kalamidad.
Matapos ito na ituring ang Pilipinas bilang most-disaster prone country sa pinakahuling World Risk Index.
Sinabi ni Assistant Secretary Bernardo Alejandro, IV na hindi ito magiging madali dahil dapat na may maitulong ang bawat isa sa paghahanda ng bansa sa mga kalamidad.
Kabilang na aniya rito ang pagtukoy sa mga imprastruktura na dapat buuin sa disaster resilience.
Binigyang-diin naman ni Alejandro ang kahalagahan ng local leadership sa pagpapatupad ng maayos na plano kaugnay sa disaster preparedness.