Inihayag ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) na dapat nasa 75 hanggang 85 piso lamang ang Suggested Retail Price (SRP) ng refined na asukal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni UNIFED President Manuel Lamata na masyado nang mataas ang presyo na higit 100.
Aniya, inihanda na nila ang resolusyon kaugnay sa SRP ng asukal sa magiging pagpupulong ng grupo sa Department of Agriculture (DA).
Nilinaw naman ni Lamata na may lokal na produksyon at dumating na rin ang inangkat na suplay ng asukal kaya’t wala ng dahilan para itaas ang presyo ng nasabing produkto.
Dahil rin aniya dito, mawawalan ng opsyon ang mga nag-iimbak ng asukal kundi ibenta ito.