Aabot sa 16 katao ang nailigtas ng awtoridad matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorized banca sa katubigang sakop ng Rapu-Rapu Island sa Albay.
Ayon sa Rapu-Rapu Police, isa pang bangka ang nakakita sa lumubog na motorized banca na nagkataong dumaan lang sa lugar.
Sinabi naman ni Captain Philip Nathaniel San Buenaventura, officer-in-charge ng Rapu-Papu Police na nakaranas ng engine failure ang makina ng bangka matapos ang malalaking alon.
Sa ngayon, dinala na sa pantalan ng barangay Bagaobawan ang mga nasagip na pasahero para sa agarang medical assistance.