Pinaplano ng administrasyong Marcos na palawigin pa hanggang sa susunod na taon ang mababang taripa na ipinapatong sa mga pangunahing produkto sa bansa tulad ng baboy, mais, bigas at uling.
Ito ang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno kasabay ng paraang ginagawa ng gobyerno upang mapigilan ang pagbilis ng inflation o bilis ng pataas ng presyo ng pagkain o mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Diokno, noong nakaraang cabinet meeting ay isang comprehensive set of measures kabilang ang extension ng Executive Order 171 ang iniharap ng Department of Finance, na may kasama pang input ng buong gabinete.
Dahil dito, umaasa silang papatnubayan ito ng Pangulo na isasalin sa mga EO, circular at administrative order sa lalong madaling panahon.
Noong Mayo nang inilabas ni Pangulong Marcos ang EO 171, na layong palawigin ang mababang buwis na ipinapatong sa mga pangunahing produkto hanggang sa katapusan ng 2022.