Ipinatitigil ng Provincial government ng Negros Occidental ang pagpapasok ng baboy at produkto nito protektahan ang swine industry nito sa African Swine Fever (ASF).
Ito ay matapos magkaroon ng suspected case ng ASF sa Lalawigan ng Oton sa Iloilo.
Ayon sa inilabas na Executive Order ni Governor Eugenio Jose Lacson, ang ASF ay nagdudulot ng malaking banta sa Negros Occidental na isa sa mga pangunahing producer ng live hogs na binibenta sa Luzon, Central, at Eastern Visayas.
Inatasan ni Lacson ang Provincial ASF Task Force na magsagawa ng screening at inspection sa mga paparating na shipment ng mga buhay na hayop at pork products.
Magsasagawa rin ng checkpoint upang makontrol ang paggalaw ng mga live animals, pork at pork byproducts na npapasok sa lalawigan.
Inatasan din ang mga hog raisers na i-report sa mga kinauukulan ang mga hindi pang-karaniwang pagkamatay sa kanilang mga alagang baboy upang masiguro ang mabilis at agarang pag tugon.
Mababatid na isa ang Negros Occidental sa mga nangungunang backyard hog producers sa bansa, kung saan umaabot ng P6 billion ang kita ng industriya. —sa panulat ni Hannah Oledan