Umaaasa si Senador Robin Padilla na magiging positibo ang exploration activities ng Pilipinas para sa langis at gas, lalo na sa usapin ng West Philipine Sea.
Ayon sa mambabatas, kinakailangan na ng bansa na makatuklas at mapakinabangan ang langis dahil sa nagbabadyang kakapusan sa enerhiya sa mga darating na taon.
Malaking tulong aniya ang polisiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Pilipinas ay magiging friends to all at enemy to none pagdating sa pakikitungo sa ibang bansa.
Una rito, ibinahagi ni Padilla na sa pakikipagpulong nila kay Chinese Ambassador Huang Xilian kamakailan, ipinahayag nito na magiging bukas ang China sa pakikipag-usap hinggil sa isang joing exploration ng West Philippine Sea. —sa panulat ni Hannah Oledan