Pinakikilos ni Senator Raffy Tulfo ang Games and Amusement Board (GAB) para wakasan ang pustahan sa “ending.”
Ayon sa senador, sakaling walang maipakita ang GAB sa loob ng limang buwan ay mismong siya ang hihiling na magbitiw na sa puwesto ang mga opisyal nito.
Nabatid na kinuwestyon ni Tulfo ang ahensya kung bakit wala itong nahuhuli sa ending at bookies at kung bakit karaniwang mga estudyante ang nasasangkot dito.
Sinabi pa ng senador na dapat sumasama ang GAB sa operasyon upang maging maayos ang panghuhuli.
Samantala, aminado si GAB legal division OIC chief Attorney Ermar Benitez na wala silang organic team na nakatutok sa anti-illegal gambling operations.