Inaasahang milyon-milyon ang pupunta sa mga sementeryo partikular sa Maynila sa nalalapit na Undas 2022 matapos luwagan ang COVID-19 restriction.
Ayon ito sa pamunuan ng Manila South Cemetery kung saan posibleng umabot sa dalawang milyon ang mga bibisita rito.
Nasa tatlo hanggang 4 milyon naman ang inaasahang dadalaw sa Manila North Cemetery sa Undas.
Samantala, nakalatag na ang guidelines para sa mga bibisita base sa ipinalabas na direktiba ng lokal na pamahalaan ng Maynila.