Wagi ang koponan ng Converge laban sa Meralco Bolts sa iskor na 106-99 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Sinubukan pa ng Bolts na habulin ang kalamangan ng Converge ngunit dahil sa pinakawalang tres ni Maverick Ahanmisi sa mga dying seconds ng laro naselyuhan nito ang kanilang panalo.
Malaki ang naging ambag ni FiberXers import Quincy Miller sa kanilang panalo na kumamada ng 29 points at 16 rebounds habang tumipa naman ng 21 points si Ahanmisi.
Dahil sa panalong ito, napigilan ng FiberXers ang kanilang natamong dalawang magkasunod na pagkatalo.