Yumao na ang 72 year old actor na si Robbie Coltrane, na gumanap na Hagrid sa sikat na movie series na “Harry Potter.”
Wala namang inilabas na iba pang detalye hinggil sa naging pagpanaw ni Coltrane, na binawian umano ng buhay sa pagamutan.
Dahil dito, agad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga malalapit sa namayapang aktor kabilang na dito ang author ng Harry Potter na si J.K. Rowling.
Sinabi naman ni Emma Watson na itinuturing niyang “Most Fun Uncle” si Coltrane.
Inalala naman ng mga Harry Potter cast ang kabutihang-loob at sense of humor ng aktor.
Nakilala din si Coltrane sa TV series na “Cracker” makaraang gampanan ang karakter ng isang criminal psychologist at naging kontrabida rin ito sa dalawang bigtime film na James Bond.