Nagdiwang ang Golden State Warriors sa pangunguna ni MVP Stephen Curry nang padapain ang Denver Nuggets sa score na 118-105 para sa ika-15 sunod na ratsada sa NBA.
Sa unang yugto pa lamang ng laro ay naghabol na ang Nuggets sa Golden State hanggang sa humataw ang Warriors sa ika-apat na quarter kung saan hindi na ito lumingon pa mula noon.
Kung mananaig ang Warriors sa kanilang laban sa Los Angeles Lakers sa Miyerkules ay mababasag na nila ang 15-0 start sa NBA sa mga nakalipas na taon.
Matatandaan na ang Washington Capitols noong 1948-49 season at ang Houston Rockets noong 1993-94 season ay kapwa nagtala ng katulad na 15-0 start sa liga.
By Jelbert Perdez