Tinatayang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy ang isang residential area sa Malabon City nitong Biyernes.
Batay sa ulat, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog kung saan mabilis itong kumalat sa katabing mga bahay na gawa sa light materials.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at idineklarang fire-out ng sunog bandang alas-6:35 ng umaga.
Wala namang naipaulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente habang inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at kabuuang danyos nito.
Agad namang nagpadala ng tulong si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa mga naapektuhan ng sunog.
Kaugnay nito, namigay ng food packs, tubig, banig, hygiene kit at portable tents ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong at nangako ang kanilang alkalde na magbibigay ito ng agarang tulong upang makabangon ang mga nasunugang residente mula sa nangyaring trahedya.—mula sa panulat ni Hannah Oledan