Suspendido ang klase ngayong araw sa primary at secondary levels sa pampubliko at pribadong paaralan sa Ilocos Norte bunsod ng pananalasa ng Bagyong Neneng.
Ayon kay Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, makakatulong ang pagkansela ng klase upang maiwasan ang mga posibleng panganib sa mga estudyante habang inaalam ng mga kinauukulang ahensya ang lawak ng pinsala sa pampublikong imprastraktura.
Sinabi pa ni Manotoc na magkakasa ng relief efforts ang Provincial Social Welfare and Development Office sa mga naapektuhang lugar.
Samantala, kanselado rin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Munisipalidad ng Kapangan, Benguet.