Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood mitigation structure nito sa Coronel River.
Ito ang magsisilbing depensa ng mga komunidad na naninirahan malapit sa ilog ng Gabaldon sa Nueva Ecija.
Ayon kay Roseller Tolentino, DPWH Region-3 Director, nasa 830 lineal meter flood control structure ang naturang proyekto para sa mga residente dahil madalas na umapaw ang ilog bunsod ng bagyo.
Magkakaroon ito anya ng mabuting epekto sa agrikultura at residential community upang mabawasan ang pagbaha sa ilang lugar ng Cagayan.
Pinondohan ito ng 81.4 million pesos sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2022.
Nakumpleto na rin ang tatlong proyekto ng DPWH partikular sa tatlong kalsada.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla