Mahigit 5,000 indibidwal ang apektado ng bagyong Neneng sa Cagayan.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 1,472 pamilya at nasa 5,357 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa nasabing lugar.
Kabilang ang 15 evacuation center na pansamantalang tinutuluyan ng mahigit 100 na pamilya at 300 katao habang sampung pamilya ang pinili na tumuloy sa mga kamag-anak.
Samantala, isinailalim sa preemptive evacuation ang 960 indibidwal.
Kasalukuyang lubog pa din sa baha ang higit na 60 lugar at hindi madaraanan ng mga motorista. — mula sa panulat ni Jenn Patrolla