Hindi pa handa sa mga kalamidad o sakuna ang kahalati ng mundo.
Ayon ito sa United Nations kaya’t marami ang nasasawi.
Ipinabatid ng Global Status of Multi Hazard Early Warning Systems: Target G na batay sa report ng UN Office for Disaster Risk Reduction at World Meteorological Organization, na wala sa kalahati ng least Developed Countries o one third lamang ng small island developing states ang mayroong isang multi-hazard early warning system.
Sinabi ni UN secretary general Antonio Guterres na bigo ang mundong mag-invest para sa proteksyon ng buhay at hanap-buhay ng mga apektado ng kalamidad kayat umaapela siya sa mga bansang tutukan ang early warning systems.
Ang early warning systems ay napatunayang paraan para mabawasan ang pinsala sa mga tao at ari-arian bago dumating ang mga kalamidad tulad ng bagyo, tsunami, tagtuyot at heatwaves.