Bumaba ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa noong nakaraang taon ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute.
Ayon sa 2021 young adult fertility and sexuality study, nasa 386,000 kabataang babae na may edad 15 hanggang 19 na lamang ang nabubuntis.
Ito ay 50% mas mababa kumpara sa naging pag-aaral noong taong 2013 kung saan umabot sa 13.6% ang teenage pregnancy rate sa kaparehong age group.
Sa kabuuan, tinatayang nasa 7.2% na mga batang babae na kabilang sa nasabing age group ang nagdadalang tao noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, 406,000 babae ang nabuntis kung saan 306,000 rito ay nakapanganak na at 79,000 naman ang ipinagbubuntis pa lang ang kanilang panganay na anak.
Nakapagtala rin ang mga kinauukulan ng nasa humigit-kumulang 20,000 first time pregnancies na nagkaroon ng miscarriage o nalaglagan ng bata.–- mula sa panulat ni Hannah Oledan