Aabot sa 600 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Nigeria.
Sa datos ng mga otoridad, pumalo na sa 2m indibidwal ang apektado habang nasa 200k kabahayan naman ang nawasak dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha.
Ayon kay Nigeria Minister of Humanitarian Affairs Sadiya Umar Farouq, ang naganap na pagbaha ang isa sa pinakamalalang kalamidad na naitala sa loob ng isang dekada.
Dahil dito, nanawagan na ng tulong ang mga residente sa state governments, local government councils, at community kung saan, pinakailangan ngayon ng mga lumikas ang pagkain, malinis na inuming tubig, gamot, at damit.
Samantala, plano ding ipatupad ang National Flood Emergency Preparedness and Response Plan para sa pagpapaigting ng koordinasyon at flood response efforts ng kanilang bansa.