Nakatakdang bumili ng mas mataas na halaga ng palay ang agricultural group bilang tulong sa gitna ng tumataas na gastos ng mga magsasaka sa kanilang pananim.
Kasunod ito ng naganap na pagpupulong sa pagitan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at National Food Authority (NFA) kung saan, nagkasundo silang bumili ng 7.5 million metric tons ng dried palay sa mas mataas na halaga.
Ayon sa grupo, mas mataas ito ng tatlong piso sa umiiral na presyo ng palay sa mga probinsya kung saan, bibilhin ang mga tuyong palay mula ₱19 hanggang ₱20 kada kilo habang ₱16.50 naman sa wet palay.
Sa pahayag ni SINAG spokesperson Jason Cainglet, layunin ng kanilang grupo na masigurong magpapatuloy ang pagtatanim ng mga rice farmers at mapigilan ang pag-angkat ng palay ngayong buwan hanggang sa disyembre ng kasalukuyang taon.
Dahil dito, hindi maaapektuhan ang mga consumer at maiiwasan din ang pagtaas ng presyo ng palay sa merkado.